Ito ang isa sa mga paborito kong pook na binabalik-balikan sa tuwing nakabakasyon kami sa Iloilo.
Nakamamanghang kariktan ang napagmamasdan saanman panig ng pasyalang ito sa may pampang ng ilog na bumabagtas sa lungsod at kabisera ng lalawigan. Ang isinagawa ng mga kinauukulan sa lokal na pamahalaan na rehabilitasyon ng pook na mula sa mga suliranin noon sa polusyon at kapabayaan sa kapaligiran ay ginastusan ng malaking halaga at inabot pa ng maraming taon ng pagsusumikap upang makamit ang tagumpay kaya ganito ka-ganda at malinis na parke para sa mga Ilonggo at sa lahat ng mga panauhin at turistang dumarayo sa Iloilo.
Ang makapamasyal at paglalaan ng oras para sa kalikasang damang-dama sa Iloilo River Esplanade mula sa payapang pag-agos ng ilog hanggang sa mayabong na bakawan sa magkabilang pampang nito ay tunay ngang nakapagpapanatag ng kalooban. Hanga ako sa pagpapanatili ng mga kinauukulan sa kalinisan at kaayusan ng Esplanade at hindi nakapagtatakang naging inspirasyon din ito ng mga taga-ibang pook sa bansa katulad ng Maynila na nagpapatuloy sa rehabilitasyon ng makasaysayang Ilog Pasig at nagkaroon din doon ng sariling Esplanade bagaman hindi kasing ganda ng tulad sa Iloilo.
Nawa'y mapansin at magawan din ng aksyon ng mga kinauukulan ang iba pang sangay o tributaryo ng Ilog Iloilo sa iba pang panig ng lungsod. Hindi lingid sa kaalaman ng maraming Ilonggo lalo na ang mga taga-lungsod na hindi 100% malinis na ang ilog sapagkat may mga napaulat na sa ilang sangay at sapang nakaugnay dito na matatagpuan sa ilang barangay, laganap pa rin ang suliraning pangkapaligiran gaya ng di-wastong pagtatapon ng basura at pagdami ng ilegal na istrukturang tinitirhan ng informal settlers.
Sa susunod na bakasyon, gagalugarin ko uli ang...
Read moreIf you want to enjoy walking, this 1.2km stretch of Esplanade 1 is enough. But if you want to bring it to the next level, Continue your walk to Esplanade 2, 3, 4, 5, 6, & 7. While walking if you feel you need to go to the restroom don't worry restrooms are available. If you feel thirsty, you can stop for a while, and have a pure cool Buko juice. If you are starving no worries about the way you can get your food through the hotels, and fast food chains because they have...
Read moreI always have nostalgic feelings when I walk by the river It reminds me of the time me and my family would walk by and go to the atrium and buy groceries I would always have a feeling of falling or tripping so I always would hold my parents hand I...
Read more